Monday, March 23, 2009

MGA KABALBALAN NI TATANG INGO

Bago ako tuligsain ay iminumungkahi kong imulat nyo ang inyong mga mata. Ilabas na rin ang mga antipara, salamin o at antchokos, sakali mang nabubulagan na. Ipalagpag pati ang mga tainga nang sa gayun ay maulinigan yaring babala. Di nga'y kapoot-poot at kasuklam-suklam mga katiwalian sa pamahalaan. Gayundin ang mga buktot na kaisipan nitong kabataan. Mapusok, marahas at walang katiyakan. Kung saan patungo, tanging Siya Lang ang may alam. Mga walang galang. Mga mapagwalang-bahala sa tradisyon at matandang kaugalian. Sang-ayon ka ba? Pwes itaas ang kanang kamay. Kung taliwas ay kaliwa naman ang ikaway. Ipagdaop sa hangin. Masigabong palakpakan. Bilang handog-gawad sa ating kamangmangan. Ikaw...ikaw nga ang kailangan. Maghasik ng binhi at gintong kaalaman. Kaya't 'wag nang manlumo, malumbay at mamahaw. Tumindig ka't harapin ang katotohanan. Igabay ang napaririwara at mga nadidimlan. Sugpuin at gapiin ang namamayaning kasakiman. Kaligtasan mo'y nasa sa iyong mga kamay!

SAGOT NI BURNIK JOHN SA KABALBALAN NI 'TANG INGO

Oye there Pop! Rakenroll! Ba't po ba ang panghit-panghit nyo? Na-cutetot po ba kayo?

No comments:

Post a Comment

help yourself bitch.

Global Positioning Satellite