Yaman din lamang na ang aking itinuturing na kaibigang si G. Bagoogles ay sakim at gahaman sa rebenyung isasampa ng mga dahong ito sa kanyang kopter ay ipahintulot ninyong sa katutubong wika ko bigkasin ang poot at muhi na aking nararamdaman. Hindi ko na ipapaliwanag sa inyo mga kafatid kung ano ang ibig kong sabihin, sanhi nang maaring inyo na ring batid mula sa inyong karanasan kung paanong itong hinayupak na si G. Bagoogles ay mistulang hayok at mapagsamantala sa tulad kong sopistikado at palaisip na nilalang.
Antipatiko! Walang modo! Halimaw! Ungas! Pangahas! Wala kang karapatang gamitin at iblota sa daigdig ng internet ang aking kaisipan nang walang kapahintulutan. Sa kadahilanang minarapat ko hanggang ngayon na hwag i-rehistro sa tunay kong pangalan ang lahat ng pahina at dahon ng The Globe Watcher, ay wala ka pa ring karapatan upang akoy gamitin at mulit-muli'y andukhain sa ganitong paraan. Bakit ang tipaklong at tikbalang sa dakong Russia ay tuso sa pagkopya ng bawat nilalaman ng aking munting pahayagan. Akala nyo ba'y ako'y matutuwa, magagalak? Na ako'y inyong pinagkakaperahan? Laan kong ipalimos ang aking kakayahan kung yun lang ang iyong kailangan. Subalit bakit, ni walang abiso o pagkilala man lamang sa topak ng inyong lingkod?
Ngayo'y batid ko na kung bakit sa blogosperong ito ay punum-puno ng mga ganid at sakim. Gayundin ng mga kaibigang nanghinawa narin sa paglathala ng kanilang pananaw, makitid man o malalim sa katalinghagaan.
(Dahil busilak ang aking puso ay dito ko na isisingit sa loob ng panaklong ang mga mura at sumpa sa hinayupak na ireng si Bagoogles at ng kanyang mga alagad na tuso, mga kampon na Balasubas .....#x%$!....#x%$!...#x%$!...)
Tignan natin ngayon kung hanggang saan hahantong ang puking-inang lathalang ito, sa kabila ng kadalubhasang paraang dinesenyo ko ngayon ang aking kaisipan. Sa katotohanan, may ideya na ako kung saang lupalop ng internet pupulutin ang bawat salita at laway na ipinuhunan ko rito. Putragis Ka!
Ipagpaumanhin mo katoto na hanggang dito ko na lang tatapusin ang iresponsableng 'rant' na ito sapagkat datapwat bagamat (you fucking twat) ay totoong nahihilo nako sa pagtitig sa durungawan ng aking mundo.
3 comments:
just a rant.
pero isang dalityapi na naglalaman ng malupit na talinghaga, matalas na mensahe at mahusay na paglalahad ng isang malalim na manunulat.
idol na kita! ilink kita sa blog ko.
nakupu jusku, akupuy kahabagan, pagpasenxiahan ang sinumang mapariwara sa aking bulay-bulay...
ikaw ang bahala di ako ang kawawa!
ang agusan ng aking uhog ay nilalabasan ng likidong pula sa kadahilanang ako'y sumilay sa pahinang ito..subali't datapuwat %#@&* dumugo ang ilong ko!
Post a Comment
help yourself bitch.