Sunday, January 20, 2008

SA GILID NG LANGIT


bawat buhay
ay may nabubuong
mga kwento at kasaysayan
may makulay malungkot
masaya masalimuot
maganda malihim at magulo
bunga ito marahil ng kasalatan ng tao
kung kaya't siya'y laging naghahanap
nagsisikhay at umaasam
makamit lang ang langit na gusto

maraming tulad nito sa mundo...
Ikaw... Siya at Ako
...sa loob ng kasaysayang
singlawak ng uniberso

at doon mula roo'y
nabuo nabuhay nagkamalay
ang tuwat hinampo
mumunting kaligayahang
bahagi ng misteryo
ganyan nga... ganyan nga tayo
tulad sa awiting
nagsasabing...
sa palad ko't sa palad mo'y
manipis ang gilid ng langit.

Il y a 20 annee, la susmentionne musique ecrivant aupr'es moi-m'eme pour mon amis.

No comments:

Post a Comment

help yourself bitch.

Global Positioning Satellite